Mama : "Hello, Tet. Patay na si Igi."
At ang tangi kong nasabi, "Hala!"
It all happened so fast. He was only sixteen, about to turn seventeen this August. And a bullet that graced through his heart and a bruised pride of a drunkard took his only life.
Sobrang nakakalungkot kasi maraming 'sana' para hindi nangyari ang ganun. Nag iinuman lang sila kagabi kina Nanay, umakbay siya kay Ading at sinabing, "Boy, painom ka naman. Gusto kong uminom." nagulat pa si Ading kasi hindi naman na miinom si Igi. Sabe ni ading wala siyang pera, may alak dito sa bahay pero isang bote lang ng beer. Pumayag naman si Igi. Kinuha ni Ading yung beer dito, pagkabalik niya kina Nanay wala na si Igi. Males daw with a certain 'Aldrin'. parang wala lang sa tropa kasi alam naman na nila kung saan pupunta si Igi: hihipat.
Tuloy lang ang inuman ng tropa hanggang sa may humangos na taga Amapola at sinabing, "May tama si Igi! Nasa Mirasol!" dalidaling sumakay ng tricycle si Ading para puntahan si Igi. At ayun. Nabaril nga. Sa likod ang tama, tumagos sa puso. Buhay pa siya nung tinakbo sa ospital. Sa osmak. nakapagsalita pa daw si Igi na pagod na pagod na raw siya. Buhay pa siya sa loob ng ospital. Hindi siya dinala sa operating room. Sa isang kwarto lang siya inoperahan. Nakulangan ng dugo, Nag offer pa si Ading na siya na ang magbibigay ng dugo pero hindi siya pinayagan dahil labingwalong taong gulang pa lang si Ading at puyat/nakainom pa. Hanggang sa nawalan na ng tuluyan ng dugo si Igi, tinakpan ng puting kumot ang katawan.
Sobrang okay si Igi kahit na sa bata niyang edad e mihipat na siya. Naiintindaihan ko ang ganung bagay kahit ang tingin sa kanya ng ibang tao dito ay isa na rin siyang adeek. Ayuz siyang kasama kasi wala siyang pinipili. Naka 'bonding' ko siya nung namatay sina Tito Robert at Tatay last year. Siya ang lagi nameng kasama ni Bhebang na muwe noon pag madaling araw na. Siya ang nakakasama namen mag laro ng tong-its at magkape't yosi. Wala siyang reklamo pag nauutusan siya noon. Kahit poksa pa siya, wala kang maririnig.
We actually got 'very close' lalo na nung patay si Tito Robert. Andun yung pinuntahan niya pa ako dito sa bahay para sabay na kameng pumunta sa lamay ni Tito which happened to be na kina Nanay lang, sa kabilang kalye. Sinundo niya pa ako dito at nanood muna kame ng Bubble Gang. Sinabi pa niya noon na nakita niya nga raw kame ni Teroi noon sa loob ng bahay, nakaakbay daw ang Teroi sa'ken. Tapos tinanong niya ako kung kame daw ba. Sabe ko, "Dati.". After nun mas lalo kaming naging close. Andiyan yung siya yung nagturo sa'ken humipat kasama si Nognog. Kasi nacurious ako kung ano lasa nun bakit gustong gusto nila. Magkakwentuhan kame ni Igi tungkol sa punk scene. Sa drugs. Sa kalokohan.
Maybe if the people around us were not so sensitive about who went out with who, maybe we could have been together. Even if i was five years older. Siguro nga naging kame, without any verbal understanding. I do care for him.
Maybe we were secret lovers after all.
Currently listening to: switchblade part II-from aphony
Currently feeling: melancholic&enraged