August 29th, 2007
t.a.m.a.d
"Tamad ako."
whoo. understatement of the year. enangyan. e ano naman kung hindi pa ako bumabalik sa school? mahirap bang intindihin na sa loob ng tatlong taon ng hindi pag aaral e hindi pa rin ako handa makisalamuha at makasabay sa buhay estudyante? tamad nga ba ako? maaring oo. dahil yun ang pinaka madaling sagot kung bakit hindi pa ako nag aaral ulet. malamang hindi dahil wala naman makakaintindi kung bakit ayaw ko pang bumalik sa pag aaral. gawd. pisti.
and who would understand huh? no one. pakshet.
kahit i-explain ko hindi mo maiintindihan. hindi dahil sa hindi ko gustong ipaintindi, am just so certain na hindi mo maiintindihan ang dahilan ko. enangyan, anlabo ko.
gaano ba kaimportante ang kapirasong papel na tinatago sa pangalang "diploma"? dahil ba mas rerespetuhin ka ng tao kung may hawak ka nito? irerespeto ka kung karapat dapat kang irespeto. may diploma ka nga, di ka naman makatao makipag usap, wala ka pa ring kwenta.
kung nagkataon na nakasama ako sa martsa nung Mayo, iisa lang din ang babagsakan ko e: call center. i have nothing against the call center industry, it's just that, parang ginagawa na lang trend for practical purposes ang pagtatrabaho sa call center. malaki nga ang sweldo, fulfilling ba? siguro kung panatag ka na makita na natutulungan mo ang mga dapat mong tuilungan, sure, i have no question about that. pero hindi ba kaya mo pinagtiyagaan ang makapag martsa at makakuha ng kapirasong papel na "diploma" ay dahil ninais mo at inambisyon mo ang propesyong kunektado sa tinapos mo?
lahat tayo'y naglolokohan.
lahat tayo sinungaling.
lahat tayo ipokrito't ipokrita.

